Pagdating sa industriya ng trading Forex, maaring marami kang natatagpuang mga advertisement na nagsasabi na ikaw ay maaring kumita sa pamamagitan nito. Ngunit, dahil sa hindi malinaw na kalagayan ng forex trading sa Pilipinas, hindi rin malinaw na masabi kung ito ba ay talagang laganap sa bansa.
Ang isa pang posibleng katanungan ay kung napakaraming mga Pilipino ang pumapasok sa industriya na ito at kung mayroong magagandang mga broker tulad ng Alpari.
Kung nais mong maliwanagan sa totoong sitwasyon ng forex trading sa Pilipinas ay ipagpatuloy ang pagbabasa.
Ano ba ang forex trading?
Ito ay isang industriya na napasaiilalim ng industriya ng pananalapi kung saan ang isang trader ay namumuhunan sa pagpapalit ng pera mula sa iba’t ibang bansa. Ang bawat currency ay pinagpapalit bilang pares (halimbawa ang US dollar at Philippine Peso) at ang pagpapalit nila ay ginagamit na panukat ng halaga ng bawat salapi.
Ang isang trader ay kumikita sa pagkakaiba mula sa paggalaw ng mga napiling currency o salapi.
Marami nga bang kumikita sa forex trading?
Ang maiksing sagot ay oo, maraming kumikita sa forex trading ngunit ang mas mahabang sagot ay mas kumplikado. Maraming bagay ang dapat isipin pagdating sa industriyang ito at ang pagiging matagumpay na trader ay hindi mabilis na nakakamit.
Marami man ang kumikita dito ngunit ang madalas nilang hindi nasasabi ay kung gaano katagal bago sila nagtagumpay at anu-ano ang kanilang pinagdaanan upang makarating dito. Isa pang bagay ay ang katatagan ng kanilang mga kinita.
Ang forex trading ay nangangailangan ng masusing pag-aaral, pasensya, at disiplina upang ikaw ay maging matagumpay sa iyong mga transaksyon.
Ano ang sitwasyon ng forex trading sa Pilipinas?
Dahil sa dami ng reklamo na kanilang natanggap, kasalukuyang hindi pinapayagan ng gobyerno ng Pilipinas ang pagtatag ng mga lokal na forex broker. Subalit, hindi ito nangangahulugang hindi na maaring pumasok sa industriya ng forex trading.
Maraming mga international forex broker ay tumatanggap ng mga kliyente mula sa Pilipinas. Sa paraang ito ay maaring pumasok sa forex trading.
Marami bang Pilipino ang pumapasok sa industriya ng forex trading?
Ayon sa karamihan ng mga forex trading forum ay maraming mga Pilipino ang sumasali sa industriya ng forex trading. Karamihan sa kanila ay pumipili ng mga forex broker na regulated at lisensyado sa ibang bansa.
Karamihan din sa kanila ay MetaTrader ang trading platform na ginagamit at ang pares ng salapi ay madalas kasama ang USD at JPY.
Bilang hindi malinaw ang kalagayan ng forex trading sa Pilipinas, mahirap masabi kung gaano karami talaga ang mga Pilipinong sumasabak sa nasabing industriya.
Sinu-sino ang maaring pumasok sa industriyang ito?
Ang magandang balita ay kahit sino mang nais magsimula sa forex trading ay maaring pumasok sa nasabing industriya. Ngayon, kakailanganin lamang ng isang maliit na halaga upang buksan ang isang live account sa trading na may lehitimong mga broker ng forex sa Pilipinas.
Bagamat maari mang hindi ka kaagad kikita ng malaki rito, hangga’t maigi mong pinag-aaralan kung paano at maging disiplinado at matiyaga ay maari ka rin maging matagumpay sa industriya ng forex trading.
Konklusyon
Bagamat hindi pa gaanong malinaw kung gaano talaga kalaganap ang industriya ng forex trading sa Pilipinas at kung gaano karami talaga ang mga sumasabak sa nasabing industriya, hindi ito dapat maging dahilan upang mag-atubiling pasukin ang industriya ng forex trading.
Sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at tulong ng isang lehitimong international forex broker, maari kang maging matagumpay sa nasabing industriya. Bukod dito ay kinakailangan mo rin ng tiyaga at disiplina upang maiwasan ang pagkalugi at iba pang panganib na kaakibat ng industriya ng pananalapi.